🎵 Di Malilimutang Samahan
- Jane

- Oct 27
- 2 min read
[Chorus]
At hindi malilimutan ating pinagsamahan
Ang awitin kong ito ay sa inyo nakalaan
At kayo’y nakatatak, at hindi mabibiak
Itong grupong binuo natin, hindi mawawasak
[Main]
Naaalala n’yo pa ba noong magkakasama pa tayo?
Sa lakas ng tawa natin, natitigan na ng tao
Halos di na nga natin napapansin ang orasan
Paano ba naman kasi, ang lulupit ng basagan
Sa isang taon na pinagsamahan natin, salamat
Kung isasalaysay ko lahat, dito ay di sapat
At noong araw ng pagtatapos, lahat tayo lumuha
Mahigpit na yakapan ang alay ng bawat isa
’Wag natin isipin na ito’y isang pamamaalam
Umpisa pa lang ito sa tagumpay na inaasam
At sana pag naabot n’yo ang inyong mga pangarap
’Wag kayong tatalikod sa mga taong tumanggap
Kapag sa lakaran, gagawa ng paraan
Kahit sa pag-uwi, tiyak na mapagalitan
Hindi ininda ang lahat ng ito
Basta’t makasama lang ang mga kaibigan ko
Aminado ako na hindi na mababalik ’to
Mabuo tong muli ay hindi ko na sigurado
Mga alaala’y mananatili sa isipan
At pinapangakong babalikan sa pinanggalingan
Napakasaya ko na nakilala ko kayo
Di maipinta ang saya na nadama ko
Lalo na ’nung mga araw na nagtatawanan tayo
Sa galaan may kulitan, may tampuhan pa nga tayo
Pero kahit ganon, sa puso kayo ang bida
Kahit na marami pang bagong kaibigang makilala
Natural lang iyon, alam ko na ganon ka rin
Pero sana pag nagkita, ako pa rin ay pansinin
Ang mga pangarap natin, sana ay iyong maabot
Pag kailangan mo ng tulong ko, agad na sasagot
Asahan n’yo na hindi ko kayo iiwanan
At hindi mapapagod makinig sa ’yo, kaibigan
Sa huling pagkakataon, nais kong malaman n’yo
Na kayo ang nagbigay ng kulay sa aking mundo
Sa inyo ko na binuhos lahat ng problema ko
Salamat, at kahit papaano ay nabawasan ’to
At kahit na minsan ay tayo’y nagtatalo
Sa bagay-bagay, lalo na sa pagpaplano
Pero pag natapos, tatawanan na lang
At ating masasabi, “Di bale na lang.”
[Chorus]
At hindi malilimutan ating pinagsamahan
Ang awitin kong ito ay sa inyo nakalaan
At kayo’y nakatatak, at hindi mabibiak
Itong grupong binuo natin, hindi mawawasak
[Rap]
Kampihan? Di kailanman nauso sa amin
Sa halip ay tutulungan ang mga kasama namin
Na magkaayos, at di na muling mag-away
Okay agad, ’di nasayang aming laway
Mahirap man isipin, kailangang tanggapin
Ang panibagong buhay kailangang harapin
Pero sana naman, lahat tayo’y mananatili
Na buo ang loob, at may tiwala sa sarili
[Final Chorus]
At hindi malilimutan ating pinagsamahan
Ang awitin kong ito ay sa inyo nakalaan
At kayo’y nakatatak, at hindi mabibiak
Itong grupong binuo natin, hindi mawawasak




Comments